Do it TODAY, or regret it TOMORROW.
Diet
Malalaman mo pala talagang mahal mo sya kapag may kausap syang iba at masaya pa sya. Yung nakakaramdam ka na ng selos. Selos, kasi masaya sya habang kausap yung taong yon. Selos kasi gusto mong ikaw lang yung nakakapagpasaya sa kanya bukod sa pamilya at barkada nya. Yung kapag yung time na ayaw mong nakikitang nahihirapan at nasasaktan sya. Yung lahat ng paraan para matulungan sya iisipin mo wag lang syang mahirapan sa ginagawa nya. Kahit oras, panahon, at pagod mo handa mo ng ibigay kasi nga mas gusto mo pang ikaw na lang ang mahirapan kesa sa kanya. Malalaman mong mahal mo talaga sya kapag kahit anong mabigat away nyo, hindi mo inisip, inisip o iisipin na sumuko. Dahil ang pumapasok sa isip mo “Mahal ko sya, kailangan kong maging matatag para sa kanya, para sa relasyon namin”
Malalaman mo namang ayaw mong mawala ang isang tao sayo kapag naiinis kang may taong nakakahigit sa mga bagay na ginagawa mo sa kanya. Pagpapatawa, pagpapahalaga, pagaalaga, pagmamahal o kung ano man yan basta nahigitan ng iba natatakot ka na. Pero, be confident. Maaaring nalamangan ka nga nya sa ibang bagay pero iba pa din ang inaparamdam mo sa bf/gf mo kesa sa kanya. Malalaman mong ayaw mong mawala ang isang tao sayo kapag lahat na ng masakit tinanggap mo at kinalimuta mo para lang maipagpatuloy ang relasyon nyo.
Nobody’s telling you that it’s going to be easy. But everybody is telling you that it’s going to be worth it.
— HJPo5